Page header image

Pilay sa Bukung-bukong: Bersyon ng Teen

(Ankle Sprain: Teen Version)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang pilay sa bukungbukong ay pagbanat o pagpunit sa isa o marami pang litid sa iyong bukungbukong. Maraming buto ang iyong bukung-bukong, mga kalamnan, at mga litid na nakakabit sa iyong paa papunta sa iyong binti.
  • Baguhin o itigil ang paggawa sa mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang mga pilay.
  • Ang pilay sa bukungbukong ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga brace, yelo, ehersisyo, at paminsan-minsan sa pamamagitan ng gamot o operasyon.

________________________________________________________________________

Ano ang pilay sa bukung-bukong?

Ang pilay sa bukung-bukong ay isang pinsala sa isa o marami pang litid sa iyong bukung-bukong. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Maraming buto ang iyong bukung-bukong, mga kalamnan, at mga litid na nakakabit sa iyong paa papunta sa iyong binti. Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit.

Ano ang sanhi?

Ang pilay ay sanhi ng isang biglaang aktibidad na nagbabaluktot sa iyong bukung-bukong, tulad ng pagkatalisod sa mga hagdanan pagbagsak sa panahon ng isang kaganapang pang-sport.

Ano ang mga sintomas?

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit
  • Pamamaga at pamamasa
  • Kahirapan sa paggamit o paggalaw sa iyong bukung-bukong

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari magkaroon ka ng ma-X-ray o iba pang scan.

Papaano itong ginagamot?

Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid.

Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom nang mas mabilis.

Gumamit ng nababanat na benda o isang brace sa bukung-bukong tulad ng itinuturo ng iyong provider. Maaaring kailangan mong gumamit ng mga saklay hanggang makapaglakad ka nang walang pananakit.

Kung ganap na napunit ang mga litid sa iyong bukung-bukong, maaaring kailanganin mo ng operasyon. Pagkatapos ng operasyon imomolde ang iyong bukung-bukong nang 4 hanggang 8 linggo.

Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Para mabawasan ang pamamaga at pananakit para sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:

  • Maglagay ng bulsa-de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na nakabalot sa isang basahan sa napinsalang bahagi tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan.
  • Panatilihing nakapatong ang iyong paa sa mga unan kapag uupo o hihiga ka.
  • Uminom ng hindi inireresetang gamot sa pananakit, tulad ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.
    • Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad. Ang paglalagay ng NSAID gel sa iyong balat ay maaaring mabawasan ang pananakit, na may kaunting mga side effect kaysa sa mga pildoras na iniinom. Tanungin ang iyong healthcare provider kung tama para sa iyo ang isang reseta.
    • Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.

Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Papaano akong makatutulong maiwasan ang pilay sa bukung-bukong?

Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Pag-eehersisyo para bumuti ang balanse ay makatutulong maiwasan ang mga pulikat sa bukungbukong. Maaaring ituro sa iyo ng isang physical therapist o athletic trainer ang mga ehersisyo na ito.

Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport. Bilang halimbawa, isuot ang tamang klase ng sapatos para sa iyong mga aktibida, at i-tape ang iyong bukung-bukong o magsuot ng brace para sa walang tigil na sports, lalo na kung napinsala na dati ang iyong bukung-bukong. Iwasan ang pagtakbo o paglalaro sa mga pang-ibabaw na hindi pantay.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2022.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2019-07-13
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2022 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image