Page header image

Kaligtasan sa Sasakyan: Mga sanggol

(Car Safety: Infants)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang mga upuang pangkaligtasan na nakaharap sa likod lamang ang pinakaligtas na paraan ng pagbibiyahe para sa iyong sanggol, kahit na para sa malapit na mga biyahe.
  • Siguraduhing napapakain ang iyong anak at napapalitan ang diaper bago bumiyahe gamit ang kotse.
  • Huwag maglalagay ng mabibigat o matatalim na bagay, o mga bagay sa sasakyan. Maaaring gumalaw ang mga ito at masaktan ang anak mo.
  • Huwag kailanman iiwanang nag-iisa ang sanggol sa isang naka-park na sasakyan, kahit na sandali.

________________________________________________________________________

Ang paglalabay sa sasakyan ay dapat na ligtas at kalugud-lugod na panahon para sa iyo at sa iyong sanggol. Ayon sa batas, ang mga sanggol at bata ay dapat sumakay sa nasubok-sa-pagbangga, mga ligtas sa bata na mga upuan. Huwag isasakay na nakakandong sa iyo ang iyong anak, sa isang nabibitbit na kuna, o sa isang higaang pangsasakyan. Siguraduhin na akma sa iyong anak ang upuang pangkaligtasan ng sasakyan na pipiliin mo. Ang mas maliit na bata ay maaaring lumusot sa isang upuan na sobrang laki.

Ang mga batas sa upuang pangkaligtasan ay maaaring mag-iba iba sa bawat estado at ibinabatay sa edad, taas at timbang ng iyong anak. Tingnan ang mga batas ng iyong estado. Basahin ang mga direksyon na sumasailalim sa upuang pangkaligtasan upang masiguro na magamit ito ng tama.

Tungkol sa mga upuang pagkaligtasan ng bata

  • Ang mga sanggol ay dapat na nakasakay sa mga upuang pangsasakyan na nakaharap sa likod na mayroong 5-point na harness (singkaw) hanggang sila ay maging 2 taong gulang, o hanggang maabot nila ang pinakamataas na timbang o laki para sa upuan, alinman ang mauna. Kapag ang iyong anak ay 10 kg (22 lb), o mas matanda sa 12 buwan, suriin kung kailangan ng anak mo ng upuan pangkaligtasan na nakaharap sa unahan. Gamitin ito hanggang ang anak mo ay 18 kg (40 lb). Ito ang pinakamabuting paraan para protektahan ang ulo at leeg at hingaan ng iyong sanggol. Ang gitnang upuan sa likod ang laging pinakaligtas na lugar para sa iyong sanggol.
  • Lower Anchor and Tethers for Children (LATCH) ay isang paraan ng pagkabit ng upuang pangkaligtasan na hindi gumagamit ng sinturong pangkaligtasan. Naging kailangan na ang LATCH sa karamihan ng upuang pankaligtasan ng bata at mga sasakyan mula noong 2002. Ang LATCH na upang pangkaligtasan ng bata ay ikinakabit sa ibabang mga angkla at isang tether na angkla sa isang sasakyang kinabitan-ng-LATCH. (Karamihan sa mga upuang pang-sanggol na nakaharap-sa-likuran ay hindi kailangan ng pang-ibabaw na tether strap o pangkawit.
  • Ang ilang upuang pangkaligtasan ay hindi maikakabit nang wasto sa ilang sasakyan. Suriin bago bumili ng upuang pangsasakyan para makasiguro na gagana ito sa iyong sasakyan. Huwag kailanman tatanggap ng gamit nang upuang pangkaligtasan na nawawala ang anumang piyesa o mga pagtuturo, higit sa 10 taon gulang, o galing na sa isang banggaan. Kung hindi mo alam ang kasaysayan ng upuang pangkaligtasan ng sasakyan, huwag gamitin ito.
  • Siguruhin na nakakabit nang wasto sa sasakyan ang upuang pangsasakyan. Hindi ito dapat gagalaw nang higit sa isang pulgada sa anumang direksyon. Basahing mabuti ang mga pagtuturo sa kung papaanong ikabit nang wasto ang upuang pangkaligtasan. Siyasatin ang iyong manwal ng may-ari para siguruhin na alam mo kung saan ikakabit ang upuan sa iyong sasakyan.
  • Siguraduhin na ang iyong sanggol ay magkasya nang maayos sa upuan kapag naka-buckle ito. Suriin ang harness ng upuang pangkaligtasan at ang mga sinturong pangkaligtasan ng kotse upang matiyak na ang mga ito ay masikip at ligtas. Siguraduhin na ang harness straps ay nasa o mas mababa sa mga balikat ng inyong anak at na ang chest clip ay kapantay ng kili-kili.
  • Irehistro ang car seat sa tagagawa kaagad pagkatapos bilhin ito. Pangyayarihin nito na matawagan ka ng kumpanyam tungkol sa mga recall at babala tungkol sa kaligtasan.
  • Kung hindi ka sigurado kung maayos na akma ang iyong upuan sa sasakyan, makipag-ugnayan sa isang ospital ng mga bata o lokal na departamento ng bumbero o pulis. Karamihan sa kanila ay may programang nagpapahiram ng upuan ng bata at matutulungan ka na humanap ng upuan na aakma nang wasto. Matutulungan ka rin nila na ikabit ito nang wasto. Ang kumpanya ng insurance ng iyong sasakyan ay maaari rin mag-alok ng programang nagpapahiram ng upuang pangbata. Maaari mo rin kontakin ang programang pangkaligtasan sa highway ng estado.
  • Ang mga sanggol na may mga espesyal na problema sa kalusugan o mga kundisyong medikal ay maaaring kailanganin ng ibang sistemang pangpigil. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol dito.
  • Suportahan ang maliit na sanggol sa pamamagitan ng paglalagay ng mga nirolyong tuwalya, lampin, o mga pangbalabal na kumot sa makabilang gilid ng upuang pangkaligtasan para hindi mahulog ang ulo sa magkabilang gilid. O bumili ng suporta sa ulo.
  • Limitahan kung gaano katagal ang iyong sanggol sa upuang pangkaligtasan ng sasakyan kapag wala sa sasakyan. Ang mga sanggol ay hindi dapat gumugol nang higit sa 2 oras sa isang 24 na oras na panahon sa isang upuan ng sasakyan, at mga bagong silang na wala pang 4 na linggo na hindi hihigit sa 30 minuto sa isang 24 na oras na panahon. Ang mas matagal na panahon ay makasasama sa gulugod ng sanggol at haharangan ang daloy ng hangin sa baga ng sanggol. Gayundin, kapag ang iyong sanggol ay nasa upuan sa bahay o sa childcare, ang iyong sanggol ay hindi maaaring gumalaw o magsiyasat ng mga bagay. Ang kakayahang gumalaw at makipag-ugnayan sa mga bagay ay tumutulong sa paglaki at pag-unlad ng iyong sanggol.

Paglalakbay sa Sasakyan

Sa malamig na panahon, sa halip na isang napakalaking snowsuit, suotan ang iyong sanggol sa isang magaan na jacket at sumbrero at kumutan siya ng blanket para mainitan. Huwag kailanman hahayaang matakpan ng kumot, comforter, o quilt ang ulunan ng iyong sanggol na natutulog sa higaan o sa isang upuang pangkaligtasan ng sasakyan. Ang mga unan, kumot, at mga stuffed toy ay maaaring magdulot sa isang sanggol na mahadlangan ang paghinga o masakal.

  • Kapag ang iyong sanggol ay gising at tahimik, dumadaldal nang mabilis, o palinga-linga, kumakanta o humuhuni ng mga kanta, o nagsasalita tungkol sa kung ano ang ginagawa mo o kung saan ka pupunta. Matututunang i-enjoy ng iyong sanggol ang biyahe sa sasakyan dahil ginagawa mong masaya ang biyahe. Kung ang iyong sanggol ay may paboritong kumot, ilagay ito sa lugar na madaling maabot.
  • Magdala ng 1 o 2 malambot na laruan na para lamang sa sasakyan. Nakatutulong itong mabawasan ang pagkainip. Ang dangkal ng atensyon ng iyong sanggol ay napaka-ikli. Huwag asahan ang iyong sanggol na manatiling abala nang mahigit sa ilang minuto.
  • Habang lumalaki ang iyong sanggol, huwag pansinin ang pagsigaw, pagtili, at pagmamamakawa. Sa sandaling tumahimik ang iyong sanggol, simulang magsalita o kantahang muli iyong anak. Huwag alisin sa upuang pangkaligtasan ang iyong sanggol dahil sa pag-iyak. Subukang alisin lamang sa upuang pangkaligtasan ang iyong sanggol kapag ito ay tahimik at hindi umaandar ang sasakyan.
  • Huwag maglalagay ng mabibigat o matatalim na bagay sa loob ng sasakyan. Ang biglang paghinto ay maaaring maging sanhi sa mga ito na gumalaw at mapinsala ang iyong sanggol at iba pang pasahero. Subukang itago lahat ng maluluwag na pakete sa loob ng trunk o itali sa likod ng sasakyan.
  • Maaaring magkapaltos ang mga sanggol mula sa mainit na mga seatbelt at mga buckle ng harness. Takpan ang mga metal na bahagi sa panahong mainit.
  • Maglagay ng mga pantakip sa liwanag sa mga bintana sa likod para protektahan ang iyong sanggol sa maliwanag na araw. Huwag gumamit ng hood para protektahan ang iyong sanggol mula sa araw dahil maaari nitong mabawasan ang daloy ng hangin sa paligid ng ulo ng iyong sanggol at humantong sa sobrang init.
  • Siguraduhing nakasara ang lahat ng pinto bago paandarin ang sasakyan. Turuan ang iyong mas matatandang anak na huwag paglaruan ang pinto at lock.
  • Bago ang isang mahabang biyahe, siguruhing napakain ang iyong sanggol at nalampinan nang bago. Kung sa palagay mo ay kailangan uminom o palitan ang diaper ng iyong sanggol, subukang huminto bago mag-alburoto ang bata.
  • Sa mahahabang biyahe, pahintulutan ang madadalas na paghinto para magpahinga. Alisin ang iyong sanggol sa upuang pangsasakyan at pahigain ang iyong sanggol o padapain para mapahinga ang mga kalamnan.
  • Kung ang iyong sanggol ay maglalakbay sa ibang sasakyan sa ibang nagmamaneho, siguraduhin na gagamitin nila ang upuang pangkaligtasan, at siguraduhing nakakabit ito nang tama.
  • Pumarada kung saan mo maibababa ang iyong sanggol sa gilid ng bangketa na malayo sa trapiko.
  • Huwag kailanman iiwanang nag-iisa ang isang sanggol sa isang nakaparadang sasakyan kahit na sandali.
    • Ang heat stroke sa mga sanggol at maliliit na bata ay maaaring mangyari sa loob lang nang ilang minuto, kahit na nakababa ang bintana.
    • Ang sasakyan ay maaaring magsimulang umandar kung maglalaro ang bata sa mga kontrol.
    • Ang power window ay maaaring makasakal sa isang bata kung tataas ito habang nakadungaw ang iyong anak.
    • Ang isang bata ay maaaring makulong sa isang trunk ng sasakyan habang naglalaro.

Kung malakihan ng iyong sanggol ang pangbatang upuang pangkaligtasan bago sa unang kaarawan ng iyong sanggol, gumamit ng convertible o 3-in-1 na upuang pangkaligtasan sa posisyong nakaharap sa likuran. Ang mga upuang ito ay magagamit sa 3 paraan: nakaharap-sa-likuran, nakaharap-sa-harapan, o bilang isang booster na upuan para sa mas matandang mga bata. Ang klase ng upuang pangkaligtasan na ito ay maaaring gamitin nang mas matagal ng iyong anak, ngunit ito ay mas malaki ito kaysa sa isang upuang pang-sanggol at walang mga hawakan na pangbitbit. Ang mga bata ay dapat sumakay sa likurang upuan ng sasakyan hanggang sa edad na 13.

Basahin ang mga direksyon na kasama sa upuan o tanungin ang iyong healthcare provider kung kailan ililipat sa isang upuang pangkaligtasan ng batang bago pa lang lumalakad. Ang mga batang nag-aaral na ay dapat umupo sa mga upuang belt positioning booster hanggang sa edad 8 taon o hanggang sa magkasya ang regular na seat belt. Ito’y labag sa batas para sa isang bata na sumakay sa sasakyan nang hindi ligtas na naka-buckle sa isang upuang pangkaligtasan. Ito’y labag sa batas dahil sobra, sobrang mapanganib ito. Mangyaring gawin ang lahat nang mabuti para sa iyong anak at gumamit ng upuang pangkaligtasan sa panahon ng bawat biyahe sa sasakyan.

Para sa mga tanong kung paano ikabit at gamitin ang iyong upuang pangsasakyan, makipag-ugnayan sa:

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2022.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2020-01-14
Huling narepaso: 2021-09-21
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2022 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image