Page header image

Sudden Infant Death Syndrome, SIDS

(Sudden Infant Death Syndrome or SIDS)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang sudden infant death syndrome, o SIDS, ay ang biglaang hindi maipaliwanag na pagkamatay ng isang sanggol na mababa sa 1 taong gulang.
  • Para makatulong mapigilan ang SIDS, palaging patulugin ang iyong sanggol nang nakahiga sa isang hindi gumagalaw na pang-ibabaw tulad ng sapin ng crib. Dapat ay walang malalambot na laruan, unan, kumot, o mga pambunggo sa crib ng sanggol.
  • Ang pagpapasuso at paggamit ng tsupon ay maaari ring makatulong maiwasan ang SIDS.

________________________________________________________________________

Ano ang sudden infant death syndrome?

Ang mga sudden infant death syndrome (SIDS) ay ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay sa mga sanggol sa pagitan ng 1 buwan at 1 taong gulang sa United States.

Ang sudden unexpected infant death SUID ay ang biglaang hindi inaasahang pagkamatay ng isang sanggol na mababa sa 1 taong gulang. Kasama dito ang SIDS pati na rin ang aksidenteng kahirapan sa paghinga o pagkasakal at pagkamatay sa hindi alam na dahilan.

Ano ang nagpapataas sa panganib ng SIDS?

Ang eksaktong sanhi ng SIDS ay maaaring hindi nalalaman. Mas mataas ang panganib kung:

  • Natutulog ang sanggol na nakasubsob ang mukha o nasa isang gilid, natutulog na may malambot na sapin, o natutulog sa isang higaan kasama ng iba
  • Natutulong ang sanggol sa malalambot na pang-ibabaw tulad ng kutsong pang may sapat na gulang, sopa, o silya
  • Sobrang napapainitan ang sanggol kapag natutulog
  • Ang ina ay naninigarilyo, umiinom, o gumagamit ng mga droga bago o pagkatapos isilang ang sanggol
  • Ipinanganak nang premature ang sanggol, o may kapatid na lalake o babae na namatay sa SIDS

Ang mga bakuna (mga iniksyon ng sanggol) ay hindi nagsasanhi ng SIDS. Maaaring matulungan ng mga ito ang sanggol laban sa SIDS sa pamamagitan ng pagpropekta laban sa mga impeksyon na maaaring pataasin ang panganib ng SIDS.

Paano akong makatutulong iwasan ang SIDS?

Para makatulong maiwasan ang SIDS:

  • Siguruhin na patutulugin mo ang iyong sanggol nang nakahiga. Sundin ang mga ABC ng ligtas na pagtulog: “Mag-isang Nakahiga sa isang walang gayak na Crib.”
  • Patulugin ang iyong sanggol sa isang crib na gawa para lang sa mga sanggol. Dapat matibay ang kutson. Huwag hahayaang matulog ang sanggol sa parehong higaan kasama ng ibang bata o may sapat na gulang, o sa isang sofa, silyang may patungan ng kamay, o unan.
  • Huwag maglalagay ng malalambot na laruan o mga sobrang unan sa crib ng iyong sanggol.
  • Huwag gagamit ng mga maluluwang na kumot o iba pang pantakip sa crib ng iyong sanggol. Kung gagamit ka ng kumot, isuksok ito para hindi matatakpan ang mukha ng iyong sanggol. Huwag kailanman hahayaang matakpan ng kumot, comforter o quilt ang ulunan ng iyong sanggol na natutulog sa crib o sa isang upuang pangkaligtasan ng sasakyan.
  • Magpasuso kung magagawa mo. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga saggol na pinapasuso ay may mas kaunting mga impeksyon sa paghinga na maaaring magpataas ng panganib ng SIDS.
  • Subukang gumamit ng tsupeta kung ang iyong sanggol ay mahigit nang 1 buwang gulang. Ang mga tsupeta ay naiugnay na sa mas mababang panganib ng SIDS. Huwag puwersahin ang iyong sanggol na gumamit ng tsupeta kung tumatanggi siya.
  • Huwag sobrang paiinitan ang silid ng iyong sanggol. Ang silid ay dapat na kumportable para sa isang matanda na nakasuot ng magaan na pananamit. Hindi dapat mainit ang pakiramdam ng iyong sanggol sa hipo at hindi dapat pinapawisan habang natutulog.
  • Kung naninigarilyo, umiinom, o gumagamit ng mga droga, subukang tumigil lalo na kung buntis ka.
  • Kung may iba pang taong nag-aalaga ng iyong sanggol, siguruhin na susundin nila ang mga alituntuning ito.
  • Ang pagitan ng patpat ng kuna ay dapat maliit (kulang sa 2 at 3/8 pulgada) para ang ulo o bahagi ng katawan ng sanggol ay hindi malamang na maiipit. Ang mga gilid ng kuna ay hindi dapat napapadausdos pataas o pababa. Tanungin ang provider ng iyong sanggol kung paanong magsiyasat para sa isang pagpapabalik sa kuna sanhi sa kaligtasan o iba pang dahilan.
  • Walang mga tali ng takip ng bintana o mga kurdon saan mang malapit sa kuna.
  • Huwag regular na hayaan ang iyong sanggol na matulog sa duyan, upuan ng sasakyan, o sakbat (sling). Pinatataas ng posisyon sa pagtulog ang panganib ng kahirapan sa paghinga o pagsakal at hindi pahihintulutan ang iyong sanggol na magbago ng posisyon sa sarili niya.

Ang mga pang-monitor ng sanggol ay hindi pa nagpakita na nakapipigil ng SIDS.

Para sa higit na impormasyon tungkol sa SIDS kontakin ang:

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2022.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2020-01-14
Huling narepaso: 2021-09-21
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2022 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image