Page header image

Sobra sa timbang at Labis na katabaan sa mga Bata

(Overweight and Obesity in Children)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang mga bata na sobra sa timbang o may labis na katabaan ay may timbang na lampas para sa kung ano ang malusog para sa uri ng kanilang katawan. Pinatataas ng sobra sa timbang o labis na katabaan ang panganib ng iyong anak sa diabetes, hika, mga diperensya sa pagtulog, at iba pang problema sa kalusugan.
  • Ang panggagamot para sa sobrang timbang o labis na katabaan ay isasama ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay tulad ng isang malusog na diyeta at regular na pisikal na aktibidad. Kung ang iyong anak ay may problema sa stress, depresyon, o ligalig, maaaring i-refer ng healthcare provider ng iyong anak sa isang therapist. Kung ang mga hindi balanseng hormone ay nakapag-aambag sa sobrang timbang, maaaring mag-reseta ng gamot ang provider ng iyong anak para magamot ang hindi balanse.
  • Suportahan at himukin ang iyong anak. Makipagtulungan sa healthcare provider ng iyong anak, dietitian, o therapist para mahanap ang tamang plano para sa isang malusog na timbang para sa iyong anak.

________________________________________________________________________

Ano ang sobra sa timbang at labis na katabaan?

Ang mga bata na sobra sa timbang o may labis na katabaan ay may timbang na higit sa kung ano ang malusog para sa uri ng kanilang katawan.

Pinatataas ng sobra sa timbang o labis na katabaan ang panganib ng iyong anak ng hindi magandang kalusugan at malalang sakit ng iyong anak, kabilang ang:

  • Diabetes
  • Mataas na cholesterol
  • Mataas na presyon ng dugo
  • Sakit sa apdo
  • Mga diperensya sa pagtulog
  • Hika

Ang pagiging sobra sa timbang o pagkakaroon ng labis na katabaan ay maaari ring maging sanhi ng iyong anak na maging self-concious tungkol sa kanyang hitsura o na tuksuhin o ma-bully. Ang mga ito ay nasa mas mataas na panganib para sa depresyon at pag-abuso ng sangkap. Minsan ang pamimilit mula sa mga magulang at iba pang nakatatanda na magbawas ng timbang ay nagiging sanhi na sobrang mag-react ang mga bata. Maaari nilang isipin nang sobra-sobra ang tungkol sa timbang, kung saan ay maaaring humantong sa diperensya sa pagkain.

Ang isa pang problema ay ang mga bata na sobra sa timbang o may labis na katabaan ay madalas na nagiging sobrang timbang na mga may sapat na gulang.

Ano ang sanhi?

Mangilan-ngilang bagay ang maaaring maging sanhi ng sobra sa timbang o labis na katabaan.

  • Pagkain nang mas maraming pagkain kaysa sa ginagamit ng katawan: Ang iyong anak ay nakakukuha ng enerhiya (calories) mula sa pagkain na kinakain. Ang pagkain ng maraming calorie kaysa sa ginagamit ng katawan ay nangangahulugan na ang ekstrang enerhiya ay naiimbak bilang taba.
  • Hindi nakakukuha nang sapat na pisikal na aktibidad: Ang panonod ng telebisyon, pagtatrabaho, o paglalaro sa computer ng matagal araw-araw at walang pisikal na aktibidad ay regular na nakatutulong sa pagdagdag ng timbang. Ang mga bata na sobra sa timbang o may labis na katabaan ay maaaring magsunog ng mas kaunting mga calorie kaysa sa mga bata na hindi dahil mas mahirap itong maging pisikal na aktibo.
  • Hindi nakakukuha nang sapat na tulog: Ang mga bata na walang sapat na tulog ay nasa mas mataas na panganib para madagdagan ng timbang.
  • Metabolismo: Ang mga bata na sobra sa timbang o may labis na katabaan ay maaaring gumamit ng mas kaunting enerhiya kapag sila ay nagpapahinga kaysa sa mga taong hindi sobra sa timbang o napakataba.
  • History ng pamilya: Ang mga namanang gene ay maaaring makaapekto sa timbang ng iyong anak. Ang mga bata na ang mga magulang ay sobra sa timbang o may labis na katabaan ay 10 beses na mas malamang na maging sobra sa timbang o may labis na katabaan. Ang mga hindi malusog na pagkain ng pamilya ay maaari ding maging dahilan na ang ilang miyembro ng pamilya ay sobra sa timbang o may labis na katabaan.
  • Mga emosyon: Depresyon, galit, ligalig, at stress ay mga problemang emosyonal na maaaring humantong sa pagkain nang marami at kaunting pag-eehersisyo.
  • Hindi balanseng hormone: Ang pagkakaroon ng hindi aktibong thyroid gland ay maaaring humantong sa pagdagdag ng timbang at maaaring gawing mahirap ang pagbabawas ng timbang.
  • Mga gamot (Medicines): Ang ilang gamot tulad ng mga pildoras na pampigil sa pag-aanak o mga gamot para gamutin ang depresyon ay maaaring maging sanhi ng pagdagdag ng timbang.

Ano ang mga sintomas?

Ang pagdaragdag ng sobrang timbang ay ang unang senyales na ang iyong anak ay maaaring nasa panganib ng sobra sa timbang o labis ang katabaan. Maaari mong mapansin na sumisikip ang mga damit ng iyong anak. Habang nadaragdagan ng timbang ang iyong anak, maaari siyang magkaroon ng mga sintomas na sanhi ng sobra sa timbang o labis ang katabaan. Kabilang sa mga sintomas na ito ang:

  • Kakapusan ng hininga kapag aktibo ang iyong anak o mas nahihirapang mag-ehersisyo kaysa ibang bata sa parehong edad
  • Problema sa pagtulog
  • Mga sintomas ng sleep apnea, kung saan ay kabilang ang pagtigil ng hininga sa maikling panahon habang natutulog at nakararamdam ng pagod sa araw
  • Kirot sa mga kasu-kasuan at kalamnan, lalo na ang likod, mga tuhod, at sakong
  • Mga pantal na namumuo kung saan ang balat ay nagkikiskisan at kinukulong ang moisture
  • Hindi regular na regla sa mga babae

Ang sobrang timbang o labis na katabaan ay nagdaragdag ng panganib na ang iyong anak ay magkakaroon ng mga problema sa kalusugan bilang isang may sapat na gulang na maaaring kasama ang gallbladder, puso, o sakit sa atay.

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ng healthcare provider ng iyong anak ang tungkol sa mga sintomas ng iyong anak at susuriin ang iyong anak. Tatanungin ng provider ng iyong anak ang tungkol sa medikal na history ng iyong anak, mga kinagawian sa pagkain, at mga kinagawiang ehersisyo. Ang iyong anak ay maaaring magkaroon ng mga pagsusuri sa dugo para tingnan ang mga problema sa hormone.

Susuriin ng healthcare provider ng iyong anak ang taas at timbang ng iyong anak laban sa mga chart ng karaniwang paglaki. Ang body mass index, o BMI, para sa mga bata ay ginagamit para sa mga edad 2 hanggang 20. Ang mga chart ng paglaki na ito, isa para sa mga batang lalaki at isa para sa mga batang babae, ay nakatutulong na alamin ang timbang hanggang sa mga taon ng paglaki. Tumpak na ipinapakita ng BMI kung kulang man sa timbang, normal, o sobra sa timbang ang iyong anak. Ikinukumpara ang BMI ng iyong anak sa libu-libong bata na pareho ang edad. Ipakikita ng pagkukumparang ito kung anong persentahe ng BMI kasama ang iyong anak.

Ang sobra sa timbang ay mas mataas kaysa sa 85% ng BMI para sa edad ng iyong anak.

Ang labis na katabaan ay karaniwang tinutukoy na mas mataas sa 95% ng BMI para sa edad ng iyong anak.

Ang mga chart sa paglaki sa isang bahagi lang ng isang mas malaking larawan na isinasaalang-alang sa medikal na history at kasalukuyang kalusugan ng iyong anak. Masasabi ng iyong healthcare provider kung ang iyong anak ay may pinataas na panganib ng mga problema sa kalusugan dahil sa timbang. Maaari rin tumulong ang iyong healthcare provider na humanap ng programa ng malusog na timbang na gagana sa iyong anak.

Paano itong ginagamot?

Ang paggagamot sa sobra sa timbang o labis ang katabaan ay ibibilang ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay. Matutulungan ka ng mga dietitian at healthcare provider na magdisenyo ng ligtas, malusog, mabisang programa para sa iyong anak para magkaroon ng malusog na timbang.

Malusog na plano ng pagkain

Sa karaniwan, ang malusog na plano sa pagkain para sa malusog na timbang ay ang isa na:

  • Kasama ang maraming prutas, gulay, mga whole grain, at beans
  • Isinasama ang mga produktong gatas na fat-free o low-fat
  • Kasama ang mga walang tabang karne, isda, mga itlog o puti ng itlog, nuts, mga buto, at mga pagkaing soya
  • Mababa sa saturated fats, trans fats, cholesterol, asin, at mga dagdag na asukal

Pisikal na aktibidad

Ang pisikal na aktibidad ay isang napakahalagang bahagi ng isang matagumpay na programa para sa isang malusog na timbang. Ang halos anumang aktibidad na kabilang ang banayad hanggang sa kainaman na ehersisyo ay mabuti. Maaaring piliin ng iyong anak na maglakad, mag-jog, lumangoy, cycle, o mag-aerobics. Ang paglalakad ay magandang paraan para sa halos sinuman para mas makapag-ehersisyo. Ang paggamit ng pedometer ay maaaring maging masaya at nakapag-mo-motivate. Ang pedometer ay isang aparato na ikinakabit sa damit at sinusubaybayan kung gaanong karaming hakbang ang ginagawa ng iyong anak sa isang araw.

Ang pagsasanay ng lakas ay gagawing mas malakas ang mga kalamnan ng iyong anak at magagawang makagawa nang mas mahaba nang hindi napapagod. Pagsasanay ng lakas, o pagsasanay ng timbang, ay nangangahulugan na pag-eehersisyo na nagpapalakas sa kalamnan. Upang makabuo ng kalamnan, ang iyong anak ay maaaring magbuhat ng barbel, gumamit ng mga weight machine, gumamit ng resistance bands, o gumamit ng bigat ng katawan tulad ng pagpush-up, pull-up, o pag-upo. Alamin sa healthcare provider ng iyong anak bago magsimula ang iyong anak ng programa sa pagsasanay ng lakas.

Tanungin ang healthcare provider ng iyong anak kung anong uri at dami ng pisikal ang maaaring tama para sa iyong anak.

Mga emosyon

Ang ilang mga bata ay kumakain upang makayanan ang emosyonal na mga problema. Kung ang iyong anak ay may problema sa stress, depresyon, o ligalig, maaaring i-refer ng iyong healthcare provider ang iyong anak sa isang therapist. Kailangan matutunan ng iyong anak kung paanong pangasiwaan ang mga problemang emosyonal para magtagumpay sa isang programa ng malusog na timbang.

Iba pang paggagamot

Kung ang mga hormone imbalance ay nakapag-aambag sa sobrang timbang, maaaring mag-reseta ng gamot ang provider ng iyong anak para gamutin ang imbalance. May mga pag-aangkin na ang ilang herbal at mga produktong gawa sa gatas ay nakatutulong sa pagbabawas ng timbang. Karamihan sa mga pag-aangkin na ito ay hindi totoo. Ang ilang suplemento ay maaaring magkaroon ng mga malalang side effect. Makipag-usap sa healthcare provider ng iyong anak bago mo payagan ang iyong anak na gumamit ng herbal at mga suplementong pangdiyeta.

Hindi malimit, ang gamot na pangbawas ng timbang ay maaaring irekumenda sa ilang mas matandang tin-edyer. Ang operasyong bariatric ay maaaring isang opsyon ng panggagamot para sa mga mas matandang tin-edyer na may maluhhang labis na katabaan at iba pang medikal na kundisyon na hindi nakagagawang magbawas ng timbang gamit ang iba pang pamamaraan.

Paano kong matutulungan ang aking anak?

Madalas na hindi iniisip ng mga magulang na ang kanilang anak ay sobra sa timbang o may labis na katabaan. Kahit na alam nila na mas mabigat ang kanilang anak kaysa ibang mga bata, maaaring isipin ng mga magulang na makakalakihan lang ng bata ito. Gayunman, kung ang isang bata ay sobra sa timbang o may labis na katabaan, kadalasan ay dahil sa hindi malusog na pagkain at mga gawi sa ehersisyo. Ang mga gayong gawi ay hindi mababago maliban kung ang mga magulang ang kikilos.

Kung ang mangilan-ngilang tao sa iyong pamilya ay may diabetes o mga problema sa timbang, ang iyong anak ay nasa mas mataas na peligro. Ang mga pagbabago na gawing malusog ang uri ng pamumuhay bilang isang pamilya ay nakatutulong sa sinuman. Gumawa ng isa o dalawang pagbabago nang paisa-isa at hayaang mag-adjust ang mga bata. Ang paggawa ng malalaking pagbabago sa diyeta o uri ng pamumuhay ay hindi madali. Paminsan-minsan ang pag-aalis lang ng matatamis na inumin at pagsisimula ng programa ng ehersisyo ay magiging sapat para matulungan ang iyong anak na magkaroon ng malusog na timbang.

Ilang tip para matulungan ang iyong anak:

  • Gamitin ang paraan ng MyPlate upang turuan ang iyong mga anak kung paano kumain ng balanse ng malusog na pagkain sa tamang dami. Upang gamitin ang MyPlate, hatiin ang isang 9-inch na plato sa mga bahagi para sa mga prutas at gulay, butil at starch, at mga protina. Ito ay tutulong sa iyo na piliin ang mga pagkain para sa almusal, tanghalian, at hapunan. Punuin ang kalahati ng plato ng prutas at gulay. Ang kalahati ng plato ay dapat na mahati nang pantay. Sa isang seksyon, maglagay ng mga starch kabilang ang mga buong butil at mga gulay na tulad ng patatas. Ang huling seksyon ay para sa mga protina tulad ng lean meat, beans, at mga gisantes. Isang tasa ng low-fat o skim milk o yogurt sa tabi ay OK.
  • Siguruhin na kumakain ng malusog na almusal ang iyong anak araw-araw. Ang paglaktaw sa almusal ay maaaring hayaang magutom ang iyong anak, mapagod, at malamang na kumain ng hindi malulusog na pagkain at mas maraming pagkain pagkatapos ng araw.
  • Hayaan tumulong ang iyong anak na magplano ng mga pagkain at mamili ng mga grocery. Ipakita sa iyong anak kung paanong bumasa ng etiketa ng nutrisyon. Matutulungan nito ang iyong anak na matuto at gumawa ng sarili niyang mga desisyon tungkol sa mga bagong pagkaing susubukan. Bumili at maghain ng maraming prutas at gulay at mas kaunting soft drink at mga meryendang pagkain.
  • Maghain ng tubig at non-fat na gatas imbes na maasukal na mga inumin. Ang maasukal na mga inumin ay maaaring magdagdag ng ekstrang 500 o higit pang mga calorie kada araw. Huwag magtabi ng maaasukal na inumin sa bahay.
  • Panatilihing may nakahandang malulusog na meryenda. Ang mga meryenda tulad ng chips, cookies, at kendi ay mataas sa taba at mga calorie. Huwag magtabi ng mga hindi malusog na miryenda sa bahay.
  • Huwag gamiting pabuya ang pagkain o bawiin ang pagkain bilang parusa.
  • Hindi dapat ilagay ang iyong anak sa isang istriktong diyeta maliban lang kung nasa pangangalaga ng isang healthcare provider o dietitian. Ang isang diyeta na sobrang mahigpit ay maaaring makagambala sa normal na paglaki.
  • Hikayatin ang iyong anak na maging pisikal na aktibo ng 60 minuto o higit pa araw-araw. Ang mga bata na sobra sa timbang o hindi sanay sa pisikal na aktibidad ay kailangang magsimula nang dahan-dahan. Laging pinakamainam na tanungin ang healthcare provider ng iyong anak bago simulan ang isang pisikal na aktibidad na programa. Magplano ng mga aktibidad kasama ang iyong anak na tulad ng skating, pagbibisikleta, pagpapatakbo, o paglalakad. Bigyan ang iyong anak ng mga gawaing aktibo tulad ng paghuhugas ng kotse, pag-vacuum, o paglilinis ng mga bintana.
  • Mahirap maging aktibo kapag nakaupo sa harap ng isang screen (TV, cell phone, computer, DVD, video game). Piliting panatilihing 2 oras o mas maaga ang panonood kada araw, hindi kabilang kung ano ang kinakailangang gawin ng iyong anak para sa eskuwela. Napakahalaga na i-off ang screen kapag kumakain. Ang mga batang kumakain na naka-on ang screen ay labis na nagkakamali sa pagpili ng pagkain at napaparami ang kain.
  • Karamihan sa mga bata ay gustong matuto sa computer. Bagaman ang sobrang oras sa computer ay hindi maganda, may mga website na magiliw sa bata at mga programa na nagbibigay ng masasayang ideya para kumilos at mas malusog na kumain ang mga bata.
  • Suportahan at himukin ang iyong anak. Alam ng mga bata kung sobra ang timbang nila o may labis na katabaan at ayaw na tuksuhin tungkol dito. Mahalagang malaman ng iyong anak na mahal at tinatanggap mo ang iyong anak sa anumang timbang. Maghanap ng mga grupo ng suporta sa pagbabawas-ng-timbang sa iyong komunidad. Ang suporta mula sa ibang bata ay makakatulong maingganyo ang iyong anak.
  • BAM! Ang Body and Mind (Katawan at Pag-iisip) https://www.cdc.gov/healthyschools/bam/teachers.htm ay binibigyan ang mga batang 9 hanggang 13 taong gulang ng impormasyon na kailangan nila para makapamili ng malusog na uri ng pamumuhay.
  • Panatilihin ang iyong mga appointment sa healthcare provider, dietitian, o therapist ng iyong anak. Magagabayan at matutulungan ka nila na panatilihing naiinganyo ang iyong anak.
Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2022.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2021-09-06
Huling narepaso: 2021-09-01
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2022 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image