________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Kung iniisip mong makipag-sex sa unang pagkakataon o nakikipag-sex ka na, dapat mong malaman ang tungkol sa pag-iwas sa pagbubuntis. Bagaman karamihan sa mga pamamaraan ay demidepende sa gagawin o iinuming isang bagay ng babae, mahalagang maunawaan ng mga lalake kung ano ang kasangkot para masuportahan nila ang kanilang mga nobya.
Ang tanging paraan para maiwasan ang pagbubuntis na 100% mabisa ay huwag makipag-sex. Kung makikipagtalik ka, mayroong palaging ilang peligro ng pagbubuntis.
Dapat mong isipin ang tungkol sa mangilan-ngilang mahahalagang isyu bago ka magpasiyang makipag-sex. Bukod sa pagbubuntis, maaari ka ring makakuha ng sexually transmitted disease.
Magpasya nang maaga kung ano ang tama para sa iyo. Maghanap ng nakatatanda na makakausap mo tungkol sa iyong nararamdaman at mga iniisip. Bagaman minsa’y mahirap itong gawin na magsimula ng usapan, dapat mong isipin ang tungkol sa pakikipag-usap sa iyong mga magulang. Maaaring makipag-usap ka rin sa iyong healthcare provider, mga tagapayo ng paaralan, guro, o mga nakatatandang kamag-anak. Kadalasang nagagawa mong pag-usapan ang mga isyu sa mga nakatatandang ito nang kumpidensyal.
Gamot na pang-Hormone
Ang mga gamot na pang-hormone ay mga gamot na pangpigil sa pag-aanak para sa kababaihan. Gumagamit sila ng mga gawang-taong anyo ng mga hormone ng babae. Kasama sa mga hormone na ito ang estrogen at/o progesterone. Pinipigilan ng mga hormone ang mga obaryo ng babae na magpakawala ng itlog bawat buwan. Ginagawang mas mahirap ng mga ito para sa semilya na makapasok sa matris at mas mahirap para sa isang napunlaang itlog na manatili sa matris.
Kailangan mong magpatingin sa iyong healthcare provider para makakuha ng alinman sa mga hormonal na uri ng pagpigil sa pag-aanak.
Mga kagamitan sa Pagpigil sa Pag-aanak
Karamihan sa mga kagamitan sa pagpigil sa pag-aanak ay nagdudulot ng mga pangharang na pinipigil ang semilya na makapasok sa matris. Ang pangharang ay maaaring pisikal o kemikal.
Makakabili ka ng mga condom, spermicide, at sponge sa mga tindahan ng gamot at grocery nang walang reseta. Ang mga diaphragm at cervical cap ay kailangang mailapat ng isang healthcare provider. Ang mga IUD ay dapat na mailagay sa loob ng matris ng isang healthcare provider.
Sterilization
Ang sterilization ay isang procedure na isinasagawa para isara ang mga tubo na nagdadala ng mga semilya sa mga lalake. Ang procedure na ito ay tinatawag na vasectomy. Ang operasyon na tinatawag na tubal ligation ay maaaring isagawa para isara ang mga tubo na nagdadala ng mga itlog sa mga babae. Ang operasyon na ito ay maaaring isagawa sa iyong tiyan o sa pamamagitan ng mga espesyal na aparatong ipinapasok sa ari ng babae at papasok sa mga fallopian tube. Ang isang babae o lalake na na-sterilize ay wala nang kakayahang magkaanak. Ang procedure ay kadalasang isang permanenteng pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak. Ito’y napakabihirang gawin ang procedure na ito kung ikaw ay mas bata sa 21 taong gulang o kung wala kang mga anak.
Ang operasyon para alisin ang matris ng babae (hysterectomy) ay nagiging sanhi rin ng pagkabaog.
Ang pamamaraang Likas na Pagpaplano ng Pamilya at ang Withdrawal
Ang mga pamamaraang likas na pagpaplano ng pamilya sa pagpigil sa pag-aanak ay hindi gumagamit ng anumang kagamitan, gamot, o operasyon. Para maiwasan ang pagbubuntis, iwasan mo ang pakikipag-sex sa ilang araw ng bawat siklo ng regla. Ang ilan sa ibang pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak ay kadalasang mas maaasahan.
Ang pamamaraang withdrawal ay kinabibilangan ng paghugot ng ari na lalake sa ari ng babae bago magsimulang lumabas ang isperma sa ari ng lalake. Kadalasan ang isperma ay napupunta sa ari ng babae bago o sa oras ng withdrawal. Ang withdrawal ay HINDI maaasahang paraan para maiwasan ang pagbubuntis.
Pang-emergency na Pagpigil sa Pag-aanak
May mga pildoras na maaaring inumin para sa pang-emergency na pagpigil sa pag-aanak. Ang mga pildoras ay naglalaman ng hormone na maaaring makapigil ng pagbubuntis kung iinumin ng babae ang mga ito sa lalong madaling panahon pagkatapos niyang makipag-sex nang walang proteksyon. Maaaring inumin ng babae ang mga pildoras na ito kung masisira ang isang condom, o kung nakipag-sex siya nang walang anumang pagpigil sa pag-aanak. Depende sa klase ng gamot na nasa mga pildoras, kinakailangang mainom ang mga pildoras nang hindi lalampas nang 72 o 120 oras (3 hanggang 5 araw) pagkatapos mag-sex. Makakabili ka nang ilang klase ng pang-emergency na mga pildoras na pagpigil sa pag-aanak. Maingat na sundin ang mga tagubilin ng pakete o mga direksyon ng iyong healthcare provider sa pag-inom sa mga pildoras.
Ang isang copper intrauterine device (IUD) ay isa pang paraan para maiwasan ang pagbubuntis pagkatapos makipag-sex nang walang proteksyon. Dapat na mailagay ang IUD sa loob ng matris ng isang healthcare provider sa loob ng 5 araw pagkatapos mag-sex.
Ang sterilization, IUD, at mga gamot na pang-hormone, tulad ng mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak, ang pinakamabibisang pamamaraan sa pagpigil sa pag-aanak. Gayunman, ang diaphragm at condom ay maaaring maging halos kasing maaasahan kung ang mga ito ay ginagamit nang tama.